Friday, June 21, 2019

Stock Market - Part 3: How to Open an Account to Start Investing in the Stock Market?

Part 3: How to Open an Account to Start Investing in Stock Market?

Sa mga nakarang post ko tungkol sa stock market ay nabigyan natin ng ideya ang mga wala pang alam tungkol sa pag-iinvest sa stock market. Ngayon naman ay ibabahagi ko kung paano nga ba mag-open ng account para ka makapag-umpisang maginvest sa stock market.

Alam na natin noong mga unang post ko na para ka makapag-umpisang maginvest sa stock market ay kailangan mo ng stock broker. Sa topic na ito ay gagamitin ko ang isa sa mga nangungunang stock broker sa Pinas, ito ay ang COL Financial Inc.


Dito rin kasi ako may account kaya alam ko ang mga kailangan mo para makapag-open ka ng account dito. Ginagawa ko ito para sa mga taong hindi pa nakakaalam ng proseso at walang ideya kung paano ang gagawin lalo na yung mga taong napapadaan sa blog ko na gustong malaman ang tungkol dito at magkaroon ng kaalaman sa pagiinvest sa stock market.

Sa ngayon, para sa personal na account merong tatlong klase ng account ang pwede mong pagpilian.

Account Type

1. COL Starter

Una ay ang tinatawag nilang "COL Starter". Isa itong klase ng investment account na kung saan ang minimum investment na kailangan mo ay 1,000 pesos. Noong una akong nagbukas ng account dito ay nagkakahalaga pa ito ng 5,000 pesos. Ngayon ibinaba na nila ito para mas marami ang makapagumpisa na maginvest sa mababang halaga.

2. COL Plus

Ang "COL Plus" naman ay nangangailangan ng minimum investment na nagkakahalaga ng 25,000 pesos.

3. COL Premium

Ang "COL Premium" sa kabilang banda ay nangangailangan ng minimum investment na nagkakahalaga ng 1 million pesos. Kadalasan ang klase ng account na ito ay para sa mga kayang mag-invest ng ganito kalaking halaga o yung mga nakaaangat sa buhay pati na ang mga matagal na sa larangan ng pagiinvest sa stock market.

Application Form

Pagtapos mong pumili ng klase ng account na gusto mo na sa tingin mo ay akma sa iyo at kaya ng bulsa mo, ang sunod naman ay kailangan mong magfill-up ng form na tinatawag nilang "Customer Account Information Form". Maari mong makuha ang form na ito sa kanilang site o kaya naman ay pindutin mo lang ang link sa ibaba para diretso ka na sa form na kailangan mo. Iprint mo lang ang form na ito at kumpletuhin mo lang lahat ng detalyeng kailangan.
 
Pindutin lang ang link na ito ----->  Customer Account Information Form  para sa kumpletong forms na kailangan mo.

Tax Identification Number

Dahil sa Pinas ang lahat ng bagay ay may tax, kakailanganin mo ng TIN number. Ito yung Tax Identification Number na kailangan bago ka makapag-open ng account mo sa mga sa stock broker. Kung wala ka pang TIN number ay pwede ka namang mag-apply para magkaroon ka nito. Narito naman ang link para sa TIN Application Form and Procedure na pwede mong gawin kasama ng mga kailangan requirements para makapag-apply at magkaroon ng TIN number.
 
Pindutin lang ang link na ito ----->  TIN Application Form and Procedure  para sa form na kailangan mo at kumpletong proseso na dapat mong gawin.

Additional Requirements

Sa pagbubukas ng account mangangailangan ka din ng kopya ng isang valid government issued ID at dapat ang litrato at pirma sa nasabing ID ay malinaw at nababasa. Narito ang listahan ng mga valid IDs na tinatanggap sa Pinas

List of Valid IDs in the Philippines

1. Philippine Passport
2. Driver's License
3. SSS UMID
4. PhilHealth ID
5. TIN Card
6. Postal ID
7. Voter's ID
8. PRC ID
9. Senior Citizen ID
10. OFW ID

Secondary Valid IDs and Documents

1. NBI Clearance
2. Police Clearance
3. Barangay Clearance
4. PSA Marriage Contract
5. NSO Birth Certificate
6. NSO Marriage Certificate
7. GSIS ID – issued by the Government Services and Insurance Corporation (GSIS)
8. IBP ID – issued by the Integrated Bar of the Philippines
9. OWWA ID – issued by the Overseas Worker’s Welfare Administration
10. Diplomat ID – issued by the Philippine Embassy
11. GOCC and Government Office ID – issued by a branch or agency of the government

Pagtapos mong mafill-up ang mga forms at makumpleto ang lahat ng mga requirements o dokumentong kailangan ay pwede mo na itong ilagay sa isang sobre at ipadala sa kahit na saang business o investor center ng COL Financial. Pwede mo rin itong dalhin ng personal sa kanila kung malapit ka rin lang sa lugar ng opisina nila.

Isang konting paalala lang sa sobre na gagamitin mo, sundin mo lang ang litrato na ito sa baba tungkol sa sobreng kailangan. Kadalasan kasi ay natetengga sa Post Office ng matagal na panahon kapag yung brown envelope ang ginamit dahil sa ito ay masinsinang binubusisi at maaring magdulot pa sa 'yo ng karagdagang bayarin.


Narito ang kumpletong listahan kasama na ang numero ng telepono ng mga COL Business Center o COL Investor Center na pwede mong pagdalhan ng iyong sobre kung saan ang pinakamalapit na lugar para sa iyo.

1. COL Business Center
2403B East Tower, PSE Centre,
Exchange Road, Ortigas Center,
Pasig City 1605, Philippines
(+632) 651 5888

2. COL Investor Center - Makati
Ground Floor, Citibank Tower,
Valero corner, Villar Streets,
Makati City 1227, Philippines
(+632) 478 2954
(+632) 478 3316
(+632) 478 3275

3. COL Investor Center - Cebu
Unit B205 Axis Entertainment Ave,
Vibo Place, N. Escario St.
Cebu City, Philippines
(+6332)261-8601
(+6332)261-8615
(+6332)261-8624

4. COL Investor Center - Davao
2nd Floor Robinsons Cybergate,
J.P. Laurel Ave., Bajada,
Davao City 8000, Philippines
(+6382) 287 8192
(+6382) 287 8193
(+6382) 287 8194

5. COL Investor Center - Ilocos
Level 2, Unit 242 Robinsons Place Ilocos Expansion Mall,
Brgy. 1, San Nicolas, Ilocos Norte
(+6377)677-3445
(+6377)677-3443
(+6377)677-3442

Kapag natanggap na nila ang application mo o lahat ng dokumento mo ay kanila itong rerebisahin at ikaw ay kanilang tatawagan sa pamamagitan ng isang video call para sa beripikasyon ng mga pinasa mong detalye.

Kung maging ayos na ang lahat ay makakatanggap ka ng email na magsasabing na-approved na ang iyong aplikasyon para sa iyong account. Makakatanggap ka rin ng mga detalye na dapat mong gawin at magkakaroon ka na ng account number o user ID na magagamit mo para magumpisang maginvest sa stock market.

Ang huling kailangan mo lang gawin ay pondohan ang iyong account ng naaayon sa napili mong account type. Pwede kang pumunta sa alin mang bangko tulad ng BPI, BDO o Metrobank o kaya naman sa mga payment center kung saan tumatanggap ng pagpopondo sa isang investment account.

Kapag pumasok na ang hinulog mong pera na pondo para sa account mo na kadalasan ay inaabot ng isa hanggang tatlong araw base sa clearing time ng bangko ay pwede ka ng magsimulang bumili ng mga stocks na kailangan mo at magumpisa sa pagiinvest mo sa stock market.

Ang lahat ng prosesong idinetalye ko sa itaas ay kadalasan halos pareho na din sa iba pang mga stock broker. Kung may pagkakaiba man ay napaka-minimal na lang.

Ang buod ng proseso sa lahat ng stock broker ay ang mga sumusunod: una pumili ng tamang account type, tapos kumpletuhin ang pagfill-up ng mga forms na kailangan pati na ng mga requirements at ipasa sa kanilang tanggapan, tapos antayin ang approval at ang huli ay pondohan ang account.

Ito ang karaniwang proseso ng pagbubukas ng account para makapag-umpisang maginvest sa stock market. Sana ay may natutunan kayo sa mga nabasa n'yo at nawa'y magamit n'yo ito pagdumating ang araw na gusto n'yo ng maginvest sa stock market.

Goodluck at welcome sa mundo ng investment life at stock market.

Photo: Credit to COL Financial

No comments:

Post a Comment