Saturday, July 20, 2019

Stock Market - Part 4: What are Blue Chip Companies and Stocks?

Part 4: What are Blue Chip Companies and Stocks?

Ang blue chip stocks ay mga stocks na galing sa mga tinatawag na blue chip companies. Sino-sino nga ba ang mga tinatawag na blue chip companies? Ang mga sinasabing blue chip companies sa mundo ng stock market ay yung mga kumpanyang itinuturing na matatag, kilala, may magandang record, mataas na kapital at matagal na sa larangan ng kanyang sektor.



Ang “blue chip” ay hango sa larong poker kung saan ang tinatawag na blue chip ay yung may mataas na halaga. Una itong ginamit noong 1923 para pangalanan ang mga matataas na halaga ng stocks sa stock market. Sa ngayon ang mga blue chip stocks ay hindi na lang nangangahulugan na ang isang stocks ay may malaking presyo kundi may magandang kalidad at matatag na kumpanya na kayang tumayo sa hamon ng pagnenegosyo.

Ang mga blue chip na kumpanya ay yung mga multinational companies na nagnenegosyo ng matagal ng panahon. Kadalasan ito ang hinahanap ng mga nagiinvest sa stock market kapag sila ay naguumpisa pa lang. Sila kasi ang mga matatag ng mga kumpanya at mapagkakatiwalaan na ang perang iniinvest mo ay magkakaroon ng magandang paglago.

Ang mga blue chip stocks ang mainam para sa long term investment sa stock market dahil sa ganda ng capital preservation at ang consistent dividend payments. Hindi lang para magbigay ng magandang kita para sa iyo ang mga stocks na ito kundi isa rin itong paraan para maprotektahan ang iyong portfolio laban sa inflation.

Para sa inyong guide, narito sa ibaba ang listahan ng lahat ng mga blue chip companies sa Philippine Stock Market sa ngayon. Kung naguumpisa ka pa lang sa pagiinvest sa stock market, ito ang mga kumpanya kung saan magandang maginvest. Sa kabuuan mayroong 30 kumpanya sa ngayon ang kinukunsiderang mga blue chip companies sa Philippine Stock Market. Sana makatulong ito para lalo n'yo pang pagaralan ang pagiinvest sa stock market.


Philippine Stock Market List of Blue Chip Companies
No.
Stock Code
Stock Name
Market Price as of Today
(in Peso)
1
AC
Ayala Corporation
950
2
AEV
Aboitiz Equity Ventures, Inc.
57.65
3
AGI
Alliance Global Group, Inc.
15.9
4
ALI
Ayala Land, Inc.
52
5
AP
Aboitiz Power Corporation
37
6
BDO
BDO Unibank, Inc.
148
7
BPI
Bank of the Philippine Islands
93
8
DMC
DMCI Holdings, Inc.
10.56
9
FGEN
First Gen Corporation
26.35
10
GLO
Globe Telecom, Inc.
2244
11
GTCAP
GT Capital Holdings, Inc.
920
12
ICT
Int'l Container Terminal Services, Inc.
141.6
13
JFC
Jollibee Foods Corporation
279.8
14
JGS
JG Summit Holdings, Inc.
68.45
15
LTG
LT Group, Inc.
15.26
16
MBT
Metropolitan Bank and Trust Company
78
17
MEG
Megaworld Corporation
6.44
18
MER
Manila Electric Company
383
19
MPI
Metro Pacific Investments Corporation
4.79
20
PCOR
Petron Corporation
5.68
21
PGOLD
Puregold Price Club, Inc.
45.9
22
RLC
Robinson Land Corporation
27.2
23
RRHI
Robinsons Retail Holdings, Inc.
78
24
SCC
Semirara Mining and Power Corporation
24
25
SECB
Security Bank Corporation
187
26
SM
SM Investments Corporation
990
27
SMC
San Miguel Corporation
175
28
SMPH
SM Prime Holdings, Inc.
38.7
29
TEL
PLDT, Inc.
1187
30
URC
Universal Robina Corporation
166

4 comments:

  1. nice information thanks for sharing valuable content with us we also provide great information related to your blog feel free to visit our
    mutual funds website.

    ReplyDelete
  2. nice information thanks for sharing valuable content with us we also provide great information related to your blog feel free to visit our Tea Garden employees.

    ReplyDelete
  3. nice information thanks for sharing valuable content with us we also provide great information related to your blog feel free to visit our
    Mirae Asset Mutual Fund.

    ReplyDelete