Part 5: How Do Investors Earn in the Stock Market?
Paano nga ba kumikita sa stock market? Magkano ba talaga ang maaaring kitain ng pera mo kapag naginvest ka dito. Bakit marami ang dito ay nagiinvest kahit alam nila na may kaakibat itong risk? Dito aalamin natin kung magkano ba talaga ang pwede mong kitain kapag naginvest ka sa stock market at kung paano kumikita dito.
Merong dawalang paraan para kumita ang pera mo sa stock market. Ito ay through "Dividends" at ang ikalawa naman ay through "Trading".
1. Dividends
Unahin natin ang "Dividends". Ang tinatawag na "Dividends" ay ang pamamahagi ng parte ng kita ng isang kumpanya sa kanyang mga shareholders. Ang nagpapasya nito ay ang pamunuan ng board of directors ng isang kumpanya. Kung magkano ang dapat na ipamahagi ay sila din ang nangangasiwa base sa kabuuang kita ng kumpanya.
Kadalasan ang dibidendo ay binibigay kada tatlong buwan, kada anim na buwan o kada taon depende sa kumpanya kung kailan nila mafinalize ang kanilang income statement o pagtapos ma-review ng board of directors ang financial status ng kumpanya.
Ang matatanggap mo namang dibidendo ay base naman sa kung ilan ang shares of stock na hawak mo sa kumpanyang nagbibigay ng dividend na kung saan ka naginvest. Karamihan ng kumpanya ay cash ang binibigay na dibidendo pero may mga ilan naman stocks ang ibinibigay. Kahit cash o stocks ang matanggap mo ay didiretso ito sa account mo sa broker at dadagdag ito sa iyong portfolio.
Narito ang listahan ng ilang kumpanyang nagbigay ng dibidendo noon nakaraan 2018 at kung magkano ang halaga ng dividendo na pinagkaloob nila sa mga naginvest sa company nila.
2. Trading
Ang ikalawa naman para kumita ang pera mo sa stock market ay sa pamamagitan ng "Trading". Sa simpleng salita ang "Trading" ay yung pagbili at pagbenta ng stocks na hawak mo. Pero paano ka kikita sa ganitong paraan? Ang trading ay katulad lang din ng pagba-buy and sell ng isang produkto sa palengke o supermarket. Bibilhin mo ang produkto sa mas mababang halaga o discounted price at ibebenta mo naman ito sa nararapat at mas malaking halaga kumpara sa pagbili mo.
Sa stock market ganun din ang prinsipyo, bibili ka ng stock sa murang halaga at maghintay ka ng tamang panahon para maibenta mo s'ya sa mas mataas na halaga. Sa ganitong paraan kumikita ang karamihan ng mga nagiinvest sa stock market.
Isang magandang halimbawa nito ay makikita sa isang simpleng computation sa ibaba. Noong Jan. 5, 2009 ang presyo ng per stock ni Jollibee sa Philippine Stock Market ay nagkakahalaga lamang ng 47 pesos. Nitong nakaraang July 26, 2019 after 10 years nagkakahalaga na s'ya ngayon ng 252 pesos.

2018 Cash Dividends
| |||
No.
|
Stock Code
|
Stock Name
|
Cash Dividends Amount
(In Peso) |
1
|
FBP2
|
San Miguel Food and Beverage, Inc. Pref2
|
28.28
|
2
|
FEU
|
Far Eastern University, Inc.
|
16
|
3
|
GLO
|
Globe Telecom, Inc.
|
91
|
4
|
GTPPA
|
GT Capital Non-Voting Perpetual Pref "A"
|
46.3
|
5
|
GTPPB
|
GT Capital Non-Voting Perpetual Pref "B"
|
50.95
|
6
|
MER
|
Manila Electric Company
|
18.69
|
7
|
PRF2A
|
Petron Corp. - Perpetual Pref. Series 2A
|
63
|
8
|
PRF2B
|
Petron Corp. - Perpetual Pref. Series 2B
|
68.58
|
9
|
PSE
|
The Philippine Stock Exchange, Inc
|
9
|
10
|
TEL
|
PLDT, Inc.
|
64
|
2. Trading
Ang ikalawa naman para kumita ang pera mo sa stock market ay sa pamamagitan ng "Trading". Sa simpleng salita ang "Trading" ay yung pagbili at pagbenta ng stocks na hawak mo. Pero paano ka kikita sa ganitong paraan? Ang trading ay katulad lang din ng pagba-buy and sell ng isang produkto sa palengke o supermarket. Bibilhin mo ang produkto sa mas mababang halaga o discounted price at ibebenta mo naman ito sa nararapat at mas malaking halaga kumpara sa pagbili mo.
Sa stock market ganun din ang prinsipyo, bibili ka ng stock sa murang halaga at maghintay ka ng tamang panahon para maibenta mo s'ya sa mas mataas na halaga. Sa ganitong paraan kumikita ang karamihan ng mga nagiinvest sa stock market.
Isang magandang halimbawa nito ay makikita sa isang simpleng computation sa ibaba. Noong Jan. 5, 2009 ang presyo ng per stock ni Jollibee sa Philippine Stock Market ay nagkakahalaga lamang ng 47 pesos. Nitong nakaraang July 26, 2019 after 10 years nagkakahalaga na s'ya ngayon ng 252 pesos.
Sample / Simple Computation
Buy Sell
January 5, 2009 July 26, 2019
1000 shares/stocks 1000 shares/stocks
x 47 pesos/share x 252 pesos/share
---------------------------- ---------------------------
47,000 pesos 252,000 pesos
Earnings of Investment
252,000 pesos (July 26, 2019)
- 47,000 pesos (January 5, 2009)
--------------------------------------------------
205,000 pesos
(Investment Earnings as of July 26, 2019)
Ibig sabihin nito na kung naginvest ka noong 2009 ng 1000 stocks at nagkakahalaga ang investment mo ng 47,000 pesos at pagkaraan ng 10 years ay ibinenta mo s'ya sa kanyang presyo ngayong 2019 sa halagang 252 pesos, ang investment mo ngayon ay aabot na ng 252,000 pesos at kumita ka ng 205,000 pesos sa loob ng 10 taon. Ang maganda dito wala kang ginagawa at hinayaan mo lang ang investment mo na lumago pagdating ng tamang panahon.
Ganyan kumikita ang mga nagiinvest sa stock market. Kaya nga ang investment na ito ay sinasabing long term investment dahil sa matagal na panahon kahit ano pa man ang mangyari sa market ay siguradong lalago at lalago ang pera mo kung gagawin mo ito na long term investment.
Kung ikukumpara mo sa parehong sitwasyon at nilagay mo lang sa bangko ang pera mo at pinatulog ng mahabang panahon ay siguradong walang masyadong naging paglago sa pera mo dahil sa liit lamang ng interest rate na kikitain ng pera mo kapag ito ay dineposito mo lang at hinayaan ng matagal na panahon sa bangko.
Ito ang kainaman ng pagiinvest sa stock market. Yan ay isang simpleng paraan pa lamang ng pagiinvest sa stock market. Ito ang sinasabi ng karamihan na "Money is working for you". Sa lagay na yan ay wala ka pang ginagawa, eh paano na lang kung may ginawa ka pa? Ibig sabihin hindi lang nagtatapos dyan ang pwedeng kitain ng pera mo sa stock market, kaya maraming tao ang dito ay nagiinvest.
Photo: CTTO
Ang tagal naman nun sir, long term investment ginawa. Buy and hold. Hehe.
ReplyDeleteHehe.. Oo nga Ma'am. Buy and super hold hehe..
Delete