Saturday, August 24, 2019

Stock Market - Part 7: How to Buy Stocks in the Stock Market?

Part 7: How To Buy Stocks in the Stock Market?

Paano nga ba bumili ng stock sa stock market? Dito gagamitin natin ang platform ng broker na COL Financial. Sa part na ito ay aalamin natin ang bawat proseso ng pagbili ng stocks at nilagyan ko ng mga pictures para mas madaling maintindihan ng mga baguhan sa pagiinvest sa stock market. Madali lang naman ang proseso ng pagbili ng stocks sa stock market. Para ito sa kaalaman ng mga naguumpisa pa lang sa pagiinvest sa stock market o yung hindi pa alam kung ano gagawin sa pagbili ng stocks.

COL Financial Website

Una kailangan mong puntahan ang website ng stock broker mo kung saan ka nagiinvest. Dahil dito gagamitin natin ang COL Financial website. Puntahan lang ang site nila sa link na ito sa ibaba.



Once na i-click mo ang link na ito ay dadalhin ka nito sa isang log-in page na website ng COL Financial.

Log-in Page

Enter mo lang ang binigay sa 'yong user ID at password  noong nagapply ka ng account sa kanila at pindutin ang log-in button para makapasok at makapag-umpisa sa pagbili mo ng stocks.


Portfolio Page

Pagpasok mo sa flatform ng COL Financial ay ganito ang makikita mo sa iyong Portfolio Page. Dito sa page na ito makikita mo ang mga detalye ng account mo tulad ng user name, account number, equity value at marami pang iba tungkol sa account mo. Dito magpo-focus lang muna tayo sa kung paano bumili ng stocks kaya ang susunod dito ay puntahan o click mo lang yung Quotes Tab.



Quotes Tab

Pagpunta mo naman sa Quotes Tab ay ito ang makikita mo. Dito kailangan mong ilagay ang stock code ng stocks na bibilhin mo. Kung hindi mo pa alam ang stock code ng mga kumpanyang gusto mong paglagyan ng investment mo ay meron sa link na ito Complete Stock Code List ang kumpletong listahan ng lahat na stock code ng bawat kumpanya sa Philippine Stock Market.

Sa topic na ito, gagawin nating example ang pagbili ng stocks ni JFC o Jollibee Foods Corporation. Ngayong alam na natin ang stock code ng bibilhin nating stock base sa Complete Stock Code List link na nasa itaas ay pwede na nating pindutin ang Quote button para malaman ang mga detalye ng stock na bibilhin at anu-ano ang mga transakyon n'ya sa oras na ikaw ay bumibili. 


Stock Information

Lalabas naman ang mga detalye ng stocks na gusto mong bilhin pati ang mga transactions sa oras ng pagbili mo. Sa pagbili ng stock dapat mong tingnan ang board lot dahil dito nakabase ang kung ilan ang minimum na pwede mong bilhin na stocks.

Makikita mo din sa stock information ang presyo ng stock na bibilhin mo. Sa kaliwa naman makikita mo ang Bid at Ask table pati na ang last 5 Trades sa mga oras na bumibili ka. Ang Bid at Ask table ay hihimayin natin sa mga susunod na post para mas lalong maipaliwanag ng maayos.

Sa ngayon magpo-focus lang muna tayo sa proseso ng pagbili ng stocks. Ayon sa stock information table sa ibaba ang last price n'ya ay 232 pesos kaya ito ang presyo na pwede mo s'yang mabili sa mga oras na ito. Ngayon alam na natin ang presyo at ang board lot ng stock na bibilhin natin ay pwede na tayong bumili ng stock ni JFC o Jollibee. Pindutin lang ang Buy button para sa pagbili ng stock.


Buy Order

Pag pindot mo ng Buy botton ay pupunta ka naman sa Buy order under ng Trade tab kung saan ilalagay mo na ang mga kailangang detalye sa pagbili ng stocks. Stock code ay si JFC, # of shares ay kung ilang shares ang gusto mong bilhin base sa board lot at sa kakayahan ng Buying Powers mo bumili na makikita mo sa table sa ibaba na nakasulat na Available. Mas makabubuting sundin ang board lot o ang mga multiples nito para hindi ka malito sa mga computation at para sa mas madaling trasaction. Kapag nakumpleto mo na ang lahat ay pindutin mo lang ang Preview Order button.


Preview Order

Dito sa Preview Order papakita sa 'yo ang lahat ng detalye sa pagbili mo ng stock para sa iyong kaalaman at para sa iyong confirmation. Nakalagay din dito ang lahat ng babayaran mong charges sa pagbili mo ng stocks ni Jollibee. Sa example picture sa ibaba makikita na 10 number of shares ang binili natin sa presyong 232.20 pesos na magkakahalaga ng 2,322 pesos. Ang charges naman ay nagkakahalaga 22.75 pesos kaya ang total na babayaran sa pagbili ng stock ni Jollibee ay 2344.75 pesos.

Sa huling proseso ay kailangan mong ilagay ang password mo at pindutin ang Place Buy Order para makumpirma ang pagbili mo ng stocks ni Jollibee. Kapag nagtugma ang binili mong stocks sa mga presyo ng mga nagbebenta nito ay papasok na ito at makikita mo na sa iyong portfolio. Ito ang simpleng paraan ng pagbili ng stocks sa Stock Market gamit ang flatform ni COL Financial.

Nawa'y makatulong ito sa inyong paguumpisa sa mundo ng stock market at patuloy na aralin ang pagiinvest dito para sa dagdag kaalaman para mapalago ang inyong investment.

Photo: CTTO

8 comments:

  1. Hello, I would like to appreciate your work. It’s a great platform got to learn a lot. Your data is really worthy. Thank you so much. Keep it up!

     Forex Trading

     Forex Market

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for appreciating my content and my work. Your comments inspire me to do more. Again thank you very much.

      Delete
  2. Nice Article. Thank you for sharing the informative article with us.
    equity shareholders
    tax in india

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks pallavi for appreciating my article. Your comment gives inspiration for me to do more.

      Delete
  3. Your work is truly appreciated round the clock and the globe. It is incredibly a comprehensive and helpful blog. MiddleEasy

    ReplyDelete
  4. salamat po sir very imformative po ito...Godbless po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat din po sa pag-appreciate ng gawa ko... God bless din po.

      Delete