Friday, October 11, 2019

Singapore Tour - Part 2: Gardens by the Bay

Isa ang Gardens by the Bay sa mga hindi nawawala sa listahan ng mga dapat puntahan ng mga turista kapag nasa Singapore. Galing Jalan Besar station ng MRT/LRT ay pwede kang bumaba after 6 stations sa Bayfront. Pagtapos ay pwede mo ng lakarin mula dito ang papuntang Gardens by the Bay. Siguro mga 5 minutes walk from Bayfront station ay mararating mo na ang lugar.


Pwede kang bumili ng ticket sa mga ticket booth sa entrance pa lang para sa mga pupuntahan mo sa loob ng Gardens by the Bay. Nasa loob kasi nito ang Cloud Forest at Flower Dome kung saan may bayad ang pagpasok. Mas makakatipid ka kung sa online ka na bibili ng ticket dahil discounted ang price nila doon. Sa Klook apps kami kumuha ng ticket kaya hindi na namin kailangan pumila pa para sa ticket pagpasok dito.


Kung gusto mo namang sumakay ng Shuttle Service ay pwede rin. Pero I suggest na mas mainam pa na maglakad na lang dahil along the way ay marami kang makikita na magagandang lugar na hindi mo dapat palampasin.


Sa entrance pa lang ay nandun na rin ang kanilang Gift Shop kung saan pwede kang mamili ng mga pasalubong o mga souvenir items na kadalasan ay dito mo lang mabibili.


Sa entrance pa lang ay marami ng magagandang spots ang makikita mo dito sa iyong paglalakad sa loob ng Gardens by the Bay. Kaya ito ang dahilan kung bakit mas masarap maglakad kesa sumakay sa Shuttle Service nila.


Sa loob ng Gardens by the Bay ay tanaw mo na ang napakalaki at napakagandang Marina Bay Hotel. Isa sa mga instagramable photo na pwede kang magselfie kahit nasa loob ka lang.


Sa di kalayuan ay kita na din sa loob ng Gardens by the Bay ang tinatawag nilang Singapore Flyer. Isa itong napakalaking Ferris Wheel na katulad ng sa London Eye o yung katulad sa Pinas na MOA Eye. Isa ito sa mga tourist spots na hindi mo dapat palampasin habang namamasyal ka sa loob ng Gardens by the Bay.


Marami pang magagandang tanawin ang makikita mo dito habang naglalakad ka sa kahabaan ng 101 hectares na nature park na ito. Kita din dito sa likod ang Super Tree Grove na aakalain mong malapit na lang pero malayo pa pala.


Meron din bridge na animo'y hanging bridge sa itsura n'ya. Dito ang magandang daan patungo sa Super Tree Grove dahil sa taas ng elevation ay kita mo na ang lawak ng buong paligid ng mas maganda.


Sa taas ng bridge ay kita mo ang mga naglalakihang figures na nasa gitna ng lake kung saan ay maganda rin magpakuha ng memorable pictures.


Sa kabila naman ng bridge ay nandun ang mga fountains at kita na rin ang Singapore Flyer at iba pang Super Tree Grove.


Sa paglilibot mo ay hindi ka naman maliligaw dahil may mga street directions na pangalan ng bawat lugar na gusto mong puntahan. Meron ding mapa sa side ng lugar kung nasaan ka na. Malinis ang kabuuan ng lugar na napapalibutan ng maraming puno at halaman.

Kung nasa kabilang side ka naman ay makikita mo naman yung bridge na pinanggalingan mo kung saan ka nagsimulang maglakad. Sa ganda ng mga tanawin ay kahit saan ka pumwesto ay talagang magandang kuhanan ng litrato saan mang anggulo.



Sa gabi naman ay pinatitingkad at pinaliliwanag ng mga naggagandahang ilaw at designs sa paligid ng Gandens by the Bay.


Meron din mga Chinese Balloon Lantern sa itaas habang naglalakad ka sa kahabaan ng park. Kahit gabi na ay mistulang may party sa loob sa dami ng mga pasabit at nakakaaliw na designs sa paligid.


Madadaanan mo din yung mga moving puppets na pinagagalaw ng mekanismo at walang taong nagpapagalaw o humahawak man lang nito.


Meron ka ring madadaanang malaking Floral Clock sa bandang gitna na tama at sabay sa oras ng relos mo.


Kahit madilim ay lumiliwanag naman ang gabi sa Silver Garden at masarap maupo at magpahinga pagtapos ng mahabang paglalakad sa loob ng Gandens by the Bay.


Sa di kalayuan ay may isang malaking tutubi na nakadapo sa nagiisang sanga. Maganda ang pagkakagawa nila dito na sumisimbolo sa Gardens by the Bay.


Pinakahuli sa lahat ang napakagandang view sa tabing ilog kung saan tanaw ang kabuuan ng Marina Bay Hotel. Isang napagandang pwesto para sa isang memorable photo.


Isang part pa lang ito ng aming paglalakbay sa bansang Singapore at marami pang dapat abangan sa mga susunod na post ko kaya sana ay subaybayan ninyo ang mga kasunod na yugto ng aming tour sa bansang Singapore.

No comments:

Post a Comment