Wednesday, January 15, 2020

Hunter X Hunter - Episode 7: Showdown sa Airship

Overview

Pagkatapos maipasa ang ikatlong pagsusulit ay 42 na aplikante na lang ang natira para tumuloy sa 3rd Phase ng hunter exam. Lulan ng airship ay tutungo na sila sa lugar kung saan gaganapin ang ikatlong pagsusubok.

Dito makikilala nila Gon at Kilua ng lubusan si Chairman Netero at makakalaro sa isang showdown sa loob ng airship. Makikita sa larong ito ang pagpapamalas ni Kilua ng kanyang kakaibang kakayahan na kung saan mapapahanga n'ya sina Gon at Chairman Netero.

Ibubunyag na rin ni Kilua ang kanyang totoong pagkatao kay Gon sa episode na ito bilang isang miyembro ng angkan ng mga assassins, ang Zoldyck family. Nakakatuwa ang magiging tagpo sa larong naisip ni Chairman Netero para pumatay ng oras habang sila ay naglalakbay sa himpapawid patungo sa susunod na lugar kung saan gaganapin ang ikatlong pagsubok para sa mga aplikante ng hunter exam.



Video: CTTO

Episode 7 Quote

"Sino ba naman ang may gusto na kinokontrol ang buhay mo di ba?" - Killua

Lessons Learned

Totoo nga ang sinabi ni Kilua sa episode na ito dahil mahirap talaga kapag kinokontrol ang buhay mo. Halos hindi ka makapag-desisyon para sa sarili mo o kaya naman ay hindi mo magawang patakbuhin ang buhay mo ng naaayon sa iyong kagustuhan.

Kung minsan nangyayari talaga ito sa buhay natin. May mga panahon na nakokontrol ang ating buhay maging ito man ay ng tao, lugar, pangyayari, sitwasyon o responsibilidad. Nangyari na ba sa 'yo na kung minsan hindi ka makapagdesisyon dahil marami kang dapat na isaalang-alang maliban sa iyong sarili? Kung minsan hindi mo magawa ang isang bagay dahil may mga tao, lugar, pangyayari, sitwasyon o responsibilidad na kumokontrol sa iyo.

May iba naman na ang sarili nilang sitwasyon ang kumokontrol sa kanila. Hindi ka makapagdesisyon para sa sarili mo dahil marami kang responsibilidad na dapat isaalang-alang. May mga tao na kung minsan gusto mong gawin ang isang bagay o kaya naman ay pagdesisyunan ang isang bagay ng  magisa ka lang pero hindi mo magawa. O kaya naman ay gusto mong kontrolin ang buhay ng naaayon sa iyong kagustuhan pero hindi mo magawa. Ang hirap di ba? Yung may mga gusto kang gawin para sa sarili mo pero maraming bagay ang kumokontrol sa yo.

No comments:

Post a Comment