Wednesday, December 25, 2019

Christmas and Birth Day of an OFW in Kuwait

Ngayon ay araw ng Pasko at the same time ay birthday ko rin. Ipinanganak ako noong December 25, ang araw ng kapanganakan din ng ating Poong Maykapal na si Jesus. Kaya ang pangalan ko ay kinuha sa bible na si Saint Ezekiel. Medyo iniba lang ng konti at medyo ginawang modern kaya ang pinangalan sa akin ay Exequiel.

Ngayon nga ay nandito ako at nagtatrabaho sa bansang Kuwait. Walang pasko dito dahil nga ito ay isang Muslim country at wala ding off para sa birthday mo maliban na lang kung mag-file ka ng leave. Malungkot ang pasko dito ng mga OFW dahil nga malayo sa pamilya, kamag-anak at mga kaibigan. Kaya ang pasko dito o birthday ay parang karaniwang araw lang.



Ito ang sakripisyo naming mga OFW para mabigyan ng magandang future ang mga mahal namin sa buhay. Kaya nga ngayong pasko ay nandito pa rin ako sa work at tuloy lang ang trabaho na parang isang ordinaryong araw lang. Malungkot pero masaya na kaming makita na ang aming mga pamilya, kamag-anak at mga kaibigan ay masaya sa pagsalubong at pagse-celebrate ng Pasko.

Kaya mapapansin mo na yung ibang OFW ay gustong-gusto na umuuwi ng pasko at bagong taon sa atin sa Pinas dahil alam nila kung gaano kasaya ang pasko sa sarili mong bansa na kasama ang mga mahal mo sa buhay. Yung iba naman na hindi makakauwi ay magtitiis na lamang sa araw ng pasko malayo sa nakasanayang okasyon.

Sa atin kasi sa Pinas ay talaga namang Ber month pa lang ay akala mo malapit na ang pasko dahil na rin sa simoy ng hangin at mga naggagandahang palamuti lalo na ang mga christmas lights. Isama mo pa dyan ang mga puto bumbong, bibingka at ibang pang masasarap na kakanin pati na ang mainit na chaa kapag simbang gabi.

Puto Bumbong at Bibingka

Photo: CTTO

Sobrang napakasaya ng pasko sa atin sa Pinas kaya naman halos karamihan ng mga Filipino sa ibang bansa ay gustong-gustong mag-pasko sa atin. Kahit pa sila ay galing sa napaka-lalayong bansa tulad na lang dito sa Kuwait o saan mang dako ng mundo.

Dito naman sa Kuwait dahil nga regular na araw lang ito para sa lahat ng mga OFW dito ay patuloy pa din ang trabaho at walang off o pahinga. Ito ang aking almusal ngayong araw ng aking kaarawan at pagsalubong sa araw ng kapaskukhan kasama ng mga papers works sa trabaho.


Masaya na kung mabigyan ka ng half-day pero kadalasan ay hindi ito nangyayari. Pero ok lang dahil alam namin na ang bawat paghihirap namin dito sa abroad ay para sa future ng mga mahal namin sa buhay. Ito na lang ang magandang pakunswelo sa amin, ang malaman naming marami kaming natutulungan sa kabila ng aming mga pagtitiis, pagpapakahirap at pagpapakasakit.

Ito naman ang christmas at birthday treat ko sa sarili ko for a job well done ngayong taong 2019 at pasasalamat na din sa dami ng blessings na aking natanggap ngayon taon. Ganito lang ang pasko at birthday ko dito sa bansang Kuwait. Simpleng buhay na kahit medyo malungkot dahil malayo sa mga mahal sa buhay sa araw ng pasko ay handang magtiis para sa future ng aking pamilya o mga mahal sa buhay.

Jollibee Chickenjoy Meal



Muli mabuhay ang lahat ng mga bayaning OFW sa buong mundo na nagpapakahirap at nagtitiis mabigyan lang ng magandang buhay ang kani-kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay. Maligayang Pasko sa inyong lahat at Happy Birthday sa akin ngayong araw na ito December 25, 2019.

Friday, December 13, 2019

A Good Investment Vehicle and Passive Income Generator

Isa pa sa mga investments ko bukod sa stock market ay ang real estate property. Isa ako sa mapalad na nagmamay-ari ngayon ng isang real estate property o condominium unit sa isang SMDC condominium building sa SM Mall of Asia Complex, ang Shell Residences. Nakuha ko ito noong pang taong 2016. Hindi naging madali ang mga pinagdaanan ko noon para lang magkaroon ng ganitong investment. Pero alam n'yo ba na isa ito sa magandang investment vehicles na magbibigay ng passive income sa ngayon dahil sa pagiging in demand n'ya. Naalala ko tuloy ang ilan sa mga mahahalagang quotes ni Warren Buffet tulad ng mga ito lalo na yung "On Investment: Do not put all eggs in one basket".




Nabili ko s'ya noong mga panahong iyon sa halagang 5M pesos at ngayon nga ay nagkakahalaga na ang kanyang market value ng 7.6M pesos. So, in the span of 3 years more than 3M na ang kinita ng investment kong condo unit kung ibebenta ko s'ya sa panahon ngayon.



Narito ang itsura ng condo unit ko noong araw na na-turn-over s'ya sa amin. 

 



Ang maganda kasi sa mga ganitong investment ay sa pagtagal ng panahon ay mas tumataas ang market value n'ya. Lalo pa itong tumataas kapag ang lugar kung saan nakatayo ang condominium building ay magiging progresibo. Tulad na lang ng mga condominium buildings sa paligid ng SM Mall of Asia.

Pagdating ng panahon siguradong hindi na lang 7.6M pesos ang itataas ng investment kong ito. Sa ngayon nga ang mga bagong unit sa bagong tayong condominium buildings ay nagkakahalaga na ng 10M and above. Ito na ngayon ang itsura ng unit ko bago ko s'ya pinarentahan. Medyo sinimplehan ko lang ang ayos at hindi ko na pina-full interior dahil hindi naman kailangan. Basta kinumpleto ko lang ang lahat ng mga gamit na kakailanganin ng mga uupa.












Nalaman ko kasi noon na ang lugar na ito ang isa sa mga magiging progresibong lugar sa kamaynilaan sa hinaharap. Ito rin kasi ang pangarap ko dati na magkaroon ng isang bahay na malapit lang sa airport at mga malls. Siguradong tataas pa ang market value ng investment kong ito dahil in the near future ay itatayo na malapit dito ang kauna-unahang IKEA sa Pinas.




Bukod pa d'yan ang mga project na katatapos lang sa palibot nito tulad na lang ng Okada pati na ang mga future reclamation projects tulad ng paparating na Manila Bay City of Pearl project kung matuloy.




Pero alam n'yo ba ang ginawa ko? Gaya ng iba, nakita ko ang malaking opportunity para gawin s'yang mas maganda at mas kumikitang investment vehicle. Pina-rentahan ko s'ya at ngayon nga ay may umuupa na sa halagang 55k per month. Gumamit ako ng agent dahil alam kong sila ang mas nakakaalam kung paano at saan kukuha ng mga foreign clients o yung mga gustong mag-rent sa mga condo units. Alam kong mas mababa pa ito kesa sa mga umuupa sa iba pero ok lang dahil para sa akin ay malaking bagay na ito. Ginawa ko lang ito para magkaroon ng steady income o yung tinatawag na passive income kahit na wala ako sa Pinas.

Pero alam n'yo rin ba kung ano pa ang maganda dito, bukod sa monthly rental ay ang mga tenant din ang magbabayad ng Water, Internet at Electric Bills every month. So yung rental fee na 55k ay kita mo na yun sa isang buwan at i-less mo na lang yung binabayaran mong Condo Dues pero syempre pati na yung agent's commission which is equivalent sa 1 month rent. Ganun kasi ang kalakaran sa pagpaparent kapag kumuha ka ng agent kaya mas magiging ok kung ikaw na mismo ang hahanap ng client para wala ka ng babayarang agent's commission.

Bukod pa d'yan, nagbabayad ang tenant ng 1 year advance for the rental fee at 2 months deposit para naman sa mga masisirang gamit o mga dapat ayusin dahil sila ang may kasalanan. Kaya nga noon nakaraang November 2019 ay natanggap ko na naman ang advance payment para sa condo rental.

Karamihan sa mga umuupa sa ngayon ay yung mga foreign clients o mga staff na nagtatrabaho sa mga Casino o Gaming facilities. Kaya mapapansin mo na marami na ngayon ang nagaalok ng mga condo unit ng SMDC o Ayala Land pati na ako hehe..pinasok ko na rin kasi ang mundo ng real estate business..hehe.. Narito ang kabuuan ng mga condominium at premier properties ng SMDC kasama na ang lugar kung saan sila nakatayo o itatayo pa lang para maging guide n'yo.

SMDC Condominiums and Premier Properties



Ito yung sinasabi na kahit natutulog ka ay kumikita ka at ang tinatawag na "Passive Income" generator dahil nga pumapasok lang ang pera kahit wala ka ng ginagawa dahil sa investment na na-acquire mo noon pa. Isa pa sa maganda sa pagpapa-rent ng iyong condo unit ay sa 'yo nakapangalan at sa 'yo pa rin ang property in the end at kung sakali man na gusto mo na s'yang ibenta in the near future ay pwede rin kung sa tingin mo ay mas lumaki pa ang kanyang market value.

Hindi ba magandang investment vehicle ito? Kaya hinihikayat ko ang sino mang makakabasa nito o mapapadaan sa blog site ko na subukan ang pagkakaroon ng real estate property dahil isa itong good investment vehicle at passive income generator. Kahit sa librong mababasa mo sa ngayon ay sina-suggest na isa ang pagkakaroon ng real property para maging investment vehicle para sa iyong future maging lupa, townhouse, house and lot o condo unit man yan.

Gusto ko lang i-share ang aking naging experience hindi upang ipagyabang bagkus ay maging inspirasyon sa iba at maging guide na din kung anu-anong paraan ang pwedeng puntahan ng mga perang pinaghihirapan natin na kikita at lalago pagdating ng panahon. Sana'y maging inspirasyon ito na hindi hadlang ang kahirapan para abutin natin kahit ang ating mga simpleng pangarap sa buhay. Hindi mo naman kailangan maging mayaman upang maging masaya at makamit ang iyong mga pangarap. Simpleng buhay lang ay ayos na, walang masyadong problema at may maayos na kalusugan. Kaya kung mangangarap ka ay lakihan mo na kasi yun na lang ang tanging libre sa mga panahon ngayon.




Maganda ito lalo na sa mga OFW (Overseas Filipino Workers) na katulad ko dahil hindi naman sa lahat ng panahon ay malakas tayo at kikita ng mga kinikita natin sa ngayon. Darating ang araw mawawalan tayo ng trabaho o tatanda tayo at maaring wala ng pagkakitaan kaya maganda na ngayon pa lang ay pinaghahandaan na natin ang mga ganitong sitwasyon.

Sa mga kabataan naman ngayon, sana'y mabasa ninyo ito at may matutunan kayong aral sa post kong ito na magagamit ninyong guide para habang bata pa kayo ay maumpisahan n'yo na ang pagkakaroon ng mga ganitong investment vehicle na magbibigay sa inyo ng passive income. Mas maganda kasi na habang bata pa kayo ay natututunan n'yo na ang mga ganitong paraan o yung tinatawag na financial literacy dahil kadalasan ay hindi ito tinuturo sa eskwelahan.

Sana'y may napulot kayong idea na magbibigay inspirasyon sa inyo sa mga nabasa ninyo patungkol sa aking experience at mga hakbang na ginawa ko at para makatulong sa inyo kung paano ninyo mapapalago ang mga perang pinaghihirapan ninyo ng matagal na panahon.

Sabi ko nga sa quote na ito,

"Do your best in everything you do because whatever you plant today, surely you will harvest it later."