Wednesday, December 25, 2019

Christmas and Birth Day of an OFW in Kuwait

Ngayon ay araw ng Pasko at the same time ay birthday ko rin. Ipinanganak ako noong December 25, ang araw ng kapanganakan din ng ating Poong Maykapal na si Jesus. Kaya ang pangalan ko ay kinuha sa bible na si Saint Ezekiel. Medyo iniba lang ng konti at medyo ginawang modern kaya ang pinangalan sa akin ay Exequiel.

Ngayon nga ay nandito ako at nagtatrabaho sa bansang Kuwait. Walang pasko dito dahil nga ito ay isang Muslim country at wala ding off para sa birthday mo maliban na lang kung mag-file ka ng leave. Malungkot ang pasko dito ng mga OFW dahil nga malayo sa pamilya, kamag-anak at mga kaibigan. Kaya ang pasko dito o birthday ay parang karaniwang araw lang.



Ito ang sakripisyo naming mga OFW para mabigyan ng magandang future ang mga mahal namin sa buhay. Kaya nga ngayong pasko ay nandito pa rin ako sa work at tuloy lang ang trabaho na parang isang ordinaryong araw lang. Malungkot pero masaya na kaming makita na ang aming mga pamilya, kamag-anak at mga kaibigan ay masaya sa pagsalubong at pagse-celebrate ng Pasko.

Kaya mapapansin mo na yung ibang OFW ay gustong-gusto na umuuwi ng pasko at bagong taon sa atin sa Pinas dahil alam nila kung gaano kasaya ang pasko sa sarili mong bansa na kasama ang mga mahal mo sa buhay. Yung iba naman na hindi makakauwi ay magtitiis na lamang sa araw ng pasko malayo sa nakasanayang okasyon.

Sa atin kasi sa Pinas ay talaga namang Ber month pa lang ay akala mo malapit na ang pasko dahil na rin sa simoy ng hangin at mga naggagandahang palamuti lalo na ang mga christmas lights. Isama mo pa dyan ang mga puto bumbong, bibingka at ibang pang masasarap na kakanin pati na ang mainit na chaa kapag simbang gabi.

Puto Bumbong at Bibingka

Photo: CTTO

Sobrang napakasaya ng pasko sa atin sa Pinas kaya naman halos karamihan ng mga Filipino sa ibang bansa ay gustong-gustong mag-pasko sa atin. Kahit pa sila ay galing sa napaka-lalayong bansa tulad na lang dito sa Kuwait o saan mang dako ng mundo.

Dito naman sa Kuwait dahil nga regular na araw lang ito para sa lahat ng mga OFW dito ay patuloy pa din ang trabaho at walang off o pahinga. Ito ang aking almusal ngayong araw ng aking kaarawan at pagsalubong sa araw ng kapaskukhan kasama ng mga papers works sa trabaho.


Masaya na kung mabigyan ka ng half-day pero kadalasan ay hindi ito nangyayari. Pero ok lang dahil alam namin na ang bawat paghihirap namin dito sa abroad ay para sa future ng mga mahal namin sa buhay. Ito na lang ang magandang pakunswelo sa amin, ang malaman naming marami kaming natutulungan sa kabila ng aming mga pagtitiis, pagpapakahirap at pagpapakasakit.

Ito naman ang christmas at birthday treat ko sa sarili ko for a job well done ngayong taong 2019 at pasasalamat na din sa dami ng blessings na aking natanggap ngayon taon. Ganito lang ang pasko at birthday ko dito sa bansang Kuwait. Simpleng buhay na kahit medyo malungkot dahil malayo sa mga mahal sa buhay sa araw ng pasko ay handang magtiis para sa future ng aking pamilya o mga mahal sa buhay.

Jollibee Chickenjoy Meal



Muli mabuhay ang lahat ng mga bayaning OFW sa buong mundo na nagpapakahirap at nagtitiis mabigyan lang ng magandang buhay ang kani-kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay. Maligayang Pasko sa inyong lahat at Happy Birthday sa akin ngayong araw na ito December 25, 2019.

No comments:

Post a Comment